EMAIL

RED CROSS 143 - BE A VOLUNTEER

 

  

EMAIL

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

 

EMAIL

TANONG
Paano ba ang maging isang Red Cross 143 volunteer sa Red Cross ng Navotas City?

SAGOT
Maaari kayong magsadya sa opisina ng ating Sub-chapter dala ang inyong resume o biodata upang makapagparehistro bilang volunteer ng Red Cross. Kayo po ay bibigyan ng registration form para inyong sasagutan, pagkatapos ay ipapaalam sa inyo kung kailan ang inyong orientation. Ang administrator o staff po sa ating chapter ang magbibigay ng karagdagang impormasyon ng pagiging isang volunteer sa Red Cross. Maaari din kayong tumawag sa 474-5553 para sa iba pang mga impormasyon o katanungan.


TANONG
Ano ang Red Cross 143?

SAGOT
Ang Red Cross 143 ay isang programa sa Philippine Red Cross na naglalayong bumuo ng network ng volunteers na magbibigay magkaroon na 44 volunteers sa 1 barangay na binubuo ng 1 pinuno at 43 kasapi na syang maaaring magbigay ng mahalagang impormasyon at kumilos para sa mabilisang pagtugon sa alinmang kalamidad o sakuna.


TANONG

Ano ang maaaring gawin bilang isang 143 volunteer?

SAGOT
Bilang 143 volunteer, ikaw ay may tungkulin na alamin ang mga posibleng maging banta sa inyong barangay, planuhin ang mga hakbang na maaaring gawin, i-handa ang mga bagay na maaaring kailanganin sa oras ng sakuna at sanayin ang sarili sa pang-unang lunas para sa inyong komunidad. Ikaw ay maaari ding mag-report sa Red Cross Operation Center o sa kalapit na local chapter ng anumang pangunahing impormasyon sa anumang sakuna at tumugon sa mga posibleng pangangailangan sa inyong lugar. Ang 143 volunteer ay maaaring magreport ukol sa nangyaring sakuna sa pamamagitan ng pagtawag sa ating lokal na subchapter sa 474-5553, pag-text kay PRC Chairman Richard J. Gordon sa 09209527232 o pagtawag sa ating hotline (just dial 143) para sa karagdagdang impormasyon. Sa mabilisang pagreport at pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad ay nagbibigay ito ng mas malaking pagkakataon sa pagsagip mula sa kapahamakan ng iyong mahal sa buhay o ng mga tao sa iyong komunidad.


TANONG
Ano ang dapat i-report ukol sa naganap na sakuna?

SAGOT
Sagutin lamang kung ano, saan, kailan, bakit, at paano nangyari ang sakuna, at kung sino o ilan ang naapektuhan sa nasabing sakuna para sa mabilis na pagtugon at aksyon. Ipagbigay-alam din ang iba pang karagdagang impormasyon na makakatulong ukol sa naganap na pangyayari sa ating lokal na subchapter sa 474-5553.


TANONG

Maaari ba maging isang volunteer sa Red Cross kahit wala pa akong training sa First Aid o BLS-CPR o kahit na anong training?

SAGOT
Kahit sino na may layuning makatulong sa kanilang kapwa ay maaaring maging isang volunteer ng Red Cross Navotas City Sub-chapter, may training man o wala. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging volunteer sa Red Cross ay maaaring ipagbigay-alam ng ating staff. Sa mga interesado naman ukol sa training ng First Aid o BLS-CPR, maaari kayong tumawag sa ating lokal na subchapter sa 474-5553 para sa impormasyon o mga katanungan.

 

 

VOLUNTEER REGISTRATION FORM

Are you willing to be a volunteer of Philippine Red Cross - Navotas City Sub-chapter and serve your community without expecting any payment in return?

  

EMAIL

FOR FURTHER INQUIRIES, JUST LEAVE IT AS COMMENT BELOW

 

 

This free website was made using Yola.

No coding skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola